Powered by Bravenet Bravenet Blog

Tag Board

Astaga.com lifestyle on the net: Astaga!com lifestyle on the net was here to say hello...
herryf: can we exchange links?thanks...
herryf: nice blog......nice blog.....,how make like this....
yummy: hahaha ganda pala ng layout ng emotera dito violet hehehe XD.. damn haba naman kasi hahaha di ko na naman tapos basahin LOL
LORAINE: emotera is now open on rakistablogs. XD shet gumaganon pa. just click my fckng name.
eloisa: hi
LORAINE: wow thanks ella. ho ho ho. plano ko na ang pagmigrate ni Cleo sa rakistablogs. abangan XD
littlecut: aning! lilink ko buhay ni cleo :)
littlecut: O.O chapter trii part tuu hehe
LORAINE: DYWMN. TOMORROW ELLA PRAMIS :)
littlecut: hehe kala ko meron na part trii... anyways... bloghop :D
littlecut: ^_^ nice chapter 2
maotze: ang haba pala nito.mahaba habang basahan ito.galing talaga ni loraine
theriz: bro? :O haha! iba ka talaga! :D
LORAINE: wui thanks ella :))
littlecut: Nice. Bukas chap 2 dito ule ako :))
Loraine: welcome to Emotera, this is an online novel created and modified by yours truly. Contents and Characters are © Loraine Sanchez. Credits: glitter-graphics.com

Please type in the four characters shown in the black box.

5.28.08

23:44

Kabanata 3: Pagguho

    Nagdaan ang tatlong taong ganoon lang ang ginagawa ko. Isa akong rebelde sa mata ng aking pamilya. Isang salot sa aking lipunan. Wala akong inatupag kung hindi magbulakbol at paniwalain ang sarili kong maayos lang ang lahat. Sa kabila nito, dala dala ko parin ang matagal ko nang pangarap. Sa umaga ay madalas akong magaudition sa mga commercials sa tv stations, pagdating naman ng gabi ay gumigimik ako sa mga bar o kung saan man ako dalhin ng barkada ko. Matapos ang highschool ay hindi na ako nakapagaral. Hindi na kinaya ng nanay ko ang perang pam paaral sa akin, naaalala ko pa ang sinabi niya, "Sayang lang ang pinapang aral ko saýo, wala rin naman akong napapala dahil sa mga kagaguhan mo". Galit ako sa aking ina. Lagi siyang nagbubunganga at hindi na niya ako muling pinagkatiwalaan pa. Hindi niya ako mahal.

    Hindi rin nagtagal ay lumayas na ako sa amin. Gusto kong magsimula ng panibagong buhay. Kampante akong mas makakaya ko ang mga pagsubok kung aalis ako sa piling nila. Kung lalayasan ko ang nakaraan, baka makapagsimula ako ulit. May kasintahan ako noon, si Albert, at siya ang tumulong sa akin para makalayo at tumira muna sa apartment niya pansamantala habang naghahanap ako ng raket.

"Bert, salamat at pinayagan mo akong tumuloy dito ah". nahihiya ko pang sinabi.

"Huwag ka nang magalala do'n, cleo. Para saan pa at naging tayo. Bukas ay sasamahan pa kitang maghanap ng trabaho."sagot niya.

"Naku, sobra sobra na 'yon Bert. Baka isipin na ng iba inaabuso na kita." pilit akong tumatanggi.

"Iisipin mo pa ba ang sasabihin ng iba? Cleo, mahal kita, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para huwag ka nang tumanggi?" dinahilan niya habang nilalapag ang mga dala kong damit. "Sige na nga, may magagawa pa ba ako?" pakunwari kong sinabi sabay hithit sa paubos na sigarilyo.

    Mabait si Albert, pero hindi ko siya mahal. Iba ang laman ng puso kong matagal ko nang iniiwasang maramdaman. Gusto ko siyang mahalin pero hindi ko talaga kaya. Sabihin niyo nang gold digger ako pero siya lang talaga ang matatakbuhan ko noon kaya ginamit ko siya.

    Kinagabihan ng araw ng aking paglipat ay gumimik kaagad kami. Gabi gabi kaming ganito ni Albert kasama ang buong barkada ko. Madalas kami sa Sagicko Bar at doon na rin kami nakilala. Isa akong gicko girl. Tawag sa samahan namin doon. Iinom kami ng alak hanggang sa wala na kami sa pagiisip. Hindi ramdam ang mga problema. Malaya. Mas malaya ako ngayon, dahil wala nang magulang na dadakdak sa akin pag uwi ko. Pero ngayon sa tuwing uuwi kaming dalawa ni Albert ay lalong wala ring pahinga. Siguro ay alam niyo na ang ibig kong sabihin. buong magdamag kaming gising at paggising kinaumagahan ay wala nang lakas para makapaghanap ng trabaho. Buong araw kaming matutulog at gabi na ulit ang aming paggising. Diretso na kami sa Sagicko para gumimik na ulit.

    Ganoon lang ang naging buhay naming dalawa, pero ang lahat ay hindi nagtatagal. Umabot na kami sa sitwasyon na wala na kaming pera pambili ng aming mga bisyo. Hanggang binenta na ni Albert ang ilan sa mga gamit niya sa apartment, hanggang sa huli, nagsimula kaming magutom. Nagsimula na akong maghanap ng trabaho, pero masyado akong mapili. Ayokong maging Janitress, kahit kailan hindi ko pinangarap, lady guard, waitress at kung ano ano pang trabahong kailangan ng mabibigat na kamay. Gusto kong maging comercial o ramp model. Mas mabuti kung mageextra ako sa mga pelikula o soaps. Pero hindi ako natatanggap sa mga auditions. Kasi, pag tinitignan na ang bio data ko, agad nila akong sinisipa. Wala nang vtr. Hindi ko na naipapakita ang talento ko. Hindi daw kasi ako nakapagtapos ng college o kaya naman ay college student man lang. Nawalan na ako ng pagasa.

    Nagsimula nang isisi ni Albert sa akin ang lahat. Ako raw ang may kasalanan kung bakit hindi na siya binibigyan ng allowance ng parents niya. Malas daw ako sa buhay niya, hanggang nagumpisa na siyang bugbugin ako. Noong una ay humingi siya ng tawad sa akin at nabigla lang daw siya pero dumalas rin ang lahat at hindi ko na iyon kinayanan. Hindi ako tanga, hindi porket sa kanya ako nakasandal ay maaari na niyang gawin ang lahat sa akin. Umalis na ako bago pa man niya ako patayin.

    Pumunta ako sa isa kong ka-gicko girl na si Ryza, pero hindi niya ako matulungan dahil nakikitira lang rin siya sa boyfriend niya na kilala pa sa pagiging babaero. "I'm sorry Cleo but i can't help you. You know naman Basty diba? He's a pig and i'm afraid baka pati ikaw patulan niya. You're too beautiful for this house". tanggi ni Ryza. "Sige Ryza, salamat na lang". Sagot ko. Wala na akong nagawa, ang mga kaibigan ko ay puro mga kaibigan sa sarap lang. Hindi ko sila maaasahan sa hirap. Mag-isa lang ako. Nagpagala gala sa kalsada magdamag. Dala ang ilang gamit naitakas ko mula kay Albert. Ang nagiisang sigarilyo ko na lang ang tangi kong masasandalan ngayon. Unti-unti ko nang nararamdaman ang hirap ng buhay. At ano pa nga ba, doon na ako natulog sa tabi ng kalsada. Ako ang pinakamalinis na pulubi  nung gabing iyon.

    Hanggang kinabukasan ay dinatnan ako ng isang lalaki...
2 comments / leave her one

5.07.08

23:56

Kabanata 2 Part 1: Kabataan

    4th year high school, eleksyon ng mga class officers, ako na naman ang pinili nilang muse, nakatanggap na naman ako ng irap mula kay Erica. Magkaklase kami ni Erica sa Bulacan National High school. First year pa lang parang hindi na talaga kami puwedeng magsama. Minsan ay muntik na kaming masuspinde, at dahil iyon sa isang play production namin.

    Siya kasi ang pinili ng mga kaklase ko na maging bida. At ako naman ang pinili nilang kontrabida, ok na sana sakin ‘yung role ko kung hindi pa nagmayabang si Erica. “Ang sarap maging bida 'no, ako yung minamahal ng mga manonood.” parinig niya sa banyo habang nagbibihis kami ng costume. Nairita ako sa pagmumukha niyang sabik na sabik sa atensyon. Sinampal ko siya at nagsabunutan kami. Na-delay ang play namin dahil sa kagagahan niya. Sinisisi ko siya sa lahat ng nangyari. "Ano ba kayo! Tama na nga yan!" Awat ni Krystal. “Sa lahat ng ayoko, ‘yung kulang sa pansin!” sabi ko sabay labas ng c.r.


    Kung tutuusin, pareho lang kami. Gusto ko rin maging bida, gusto ko sa akin lang nakatingin ang lahat, gusto kong mahalin ako ng lahat. Ang pinagkaiba namin, siya nagiisang anak, at kumpleto ang mga magulang. Ako, sira ang pamilya at walang nagmamahal. Iyon ang hindi ko maintindihan sa kanya.

“Insecured lang ‘yon sa’yo Cleo. Sana hindi mo na pinatulan.” Sermon ni Krystal, kaklase ko.

    Siguro nga, pero hanggang ngayon, inabot na kami ng senior at lahat lahat, wala parin kaming pansinan, gusto kong mag-sorry sa mga nagawa ko dati, pero ayokong tarayan niya ko, hindi pa ako handang ibaba ang pride ko para sa kanya. Kaya ayun, hanggang sa grumaduate kami at magkahiwalay ang landas namin. Wala na rin akong nagawa, magulo na masyado ang buhay ko para intindihin ko pa siya.

Nagulo ang buhay ko dahil sa isang lalaki. Pinagsisisihan ko ang araw na nakilala ko siya.


0 comments / leave her one

5.07.08

0:01

Kabanata 2 Part 2: Unang Pag-ibig

    Bagong lipat lang kami noon sa Luntian Heights, nagsisimula pa lang kami matapos maghiwalay ang mga  magulang ko, nagumpisa kami sa wala, halos wala kaming gamit sa inuupahan naming bahay. Iniwan ko lahat ng laruan ko para wala na daw kaming masyadong dadalhin. "Eh bakit si Jaja nadala niya yung laruan niya? Galit kong tinanong. "Bata naman yang kapatid mo Cleo, ano bang alam niyan sa buhay! Magpapabigat ka pa ba? Lumayas ka nga muna sa tabi ko." Hindi siya ganun dati sa akin, mahal na mahal ako dati ng nanay ko, ako lagi ang pinupuri niya sa aming apat na magkakapatid. Kahit ako ang panganay, ako lagi ang may lambing, pero simula ng umalis si daddy, tinuring na niya akong pabigat. Gusto kong sabihin sa kanya na bata lang rin ako, na hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat, kailangan ko bang maranasan ang mawalan ng laruan dahil naghiwalay sila? Lumabas ako ng bahay na umiiyak, hindi ko alam kung saan ako pupunta noon, basta tumakbo lang ako  ng tumakbo, kahit walang destinasyon.

    Maya-maya pa ay napagod rin ako at huminto sa isang lugar. Wala na rin akong matatakbuhan, iyon na ang dulo ng subdivision, gubat na ang kasunod na makikita mo. Umiiyak parin ako pero hindi ko na alam kung ano ang dahilan, dahil ba sa laruan kong naiwan? o dahil sa pamilya kong nasira? Hindi ko alam, basta tumutulo lang ang luha ko. Tinuloy ko ang paglalakad papunta sa gubat, parang may nagtulak sa akin na dumiretso sa lugar na iyon, kahit medyo madilim ang lugar sinuong ko parin ito.

    Sumambat sa akin ang isang maliit na sapa, maraming mga bulaklak na iba't iba ang kulay. Walang ganoon sa dating bahay namin sa maynila. Natanaw ko ang mga bagay na sa libro ko lang nakikita, nakalimutan ko ang lungkot sa lugar na iyon. Pinagmasdan ko ng matagal ang lahat.

"Ang ganda ano?" may boses na biglang nagsalita.

"Sino yan?" Pagulat kong sinabi.

"Hi, ako si Carlo. Pasensya ka na kung natakot kita pero teritoryo ko kasi ito." sagot niya.

Hindi ako nakasagot, tinitigan ko lang ang kanyang mukha. Nagliliwanag ang mga ito dahil sa pasulyap na sikat ng araw. Para siyang anghel, ipinadala ba siya ng Diyos upang iligtas ako? Baka naman nasa langit na ako.

"Hoy bata, narinig mo ba ako?" aniya.

"Oo, narinig kita, Ako si C-Cleo, bagong lipat lang kasi kami dito kaya naglibot muna ako. P-pwede ka bang maging kaibigan?" Pautal kong sinabi. "Oo ba, pero bawal kang magtampisaw dito sa sapa, gusto ko kasi malinis itong teritoryo ko. Okay ba Kakang?" sagot ni Carlo.

    Simula noon, naging magkaibigan na kami, dala dala ko rin ang lihim kong pagtingin sa kanya, Siya naman patuloy ang pagtawag sa akin ng Kakang. Naging masaya ang buhay kong aakalain kong magiging puro pasakit. Siya ang naging takbuhan ko kapag pinapagalitan ako ni nanay, ako naman ang takbuhan niya kapag may problema siya sa tatay niya. Sumaya ang kabataan ko dahil sa kanya, siya and childhood sweetheart ko.

    Pareho kami ng ekwelahang pinasukan hanggang high school, hindi naglaon ay nakilala ako sa pagarte ko, nagdalaga at pinilahan ng marami. Pero siya pa rin ang gusto ko, sinasabi ko iyon sa mga manliligaw ko at minsan pa nga sa sobrang pagkadesperada kong maging kami ay pinagselos ko siya sa isa sa mga manliligaw ko.  Ang alam ko ay tumalab iyon sa kanya, dahil matapos ang ilang linggo ay inamin niyang mahal na niya ako noon pa man at nangakong papasayahin ako habang buhay. Hindi rin nagtagal ay naging kami. Walang makapapalit sa kasiyahan ko. Hanggang sa araw ng JS prom, iyon na pala ang huling gabi na makikita ko siya.

    Wala siyang sinabi, walang sulat, walang paalam, walang kahit ano. Bigla na lamang siyang naglaho kinabukasan, akala ko pa naman ay sabay kaming kukunin ang mga litrato nung JS. Nalaman ko na lang isang araw na umalis na sila ng pamilya nila papuntang Amerika. Sabi pa nung katulong nila ay dalawang taon na nilang plano iyon.

    Naisip ko, sa dalawang taong lagi kaming magkasama, ni hindi man lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa aking aalis na pala siya?! At ngayon, gugulatin na lang niya ako sa balitang ito! Gumuho ang aking mundo. Tumulo muli ang mga luhang gaya ng dati. Parang bumalik ang kahapon para sa akin. Pareho lang sila ng tatay ko, paaasahin ako sa una at pagkatapos ay iiwan lang rin ako. Wala ba akong halaga sa kanila?

    Tinapos ko ang high school ng wala siya. Doon na ako nagsimulang magloko. Lahat ng bisyo ay sinubukan ko, simula sa yosi, alak, pati droga. Wala na rin akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin, kung sinu-sino ang naging mga karelasyon ko, karamihan sa kanila isang gabi ko lang nakasama, hinayaan ko lang silang gawin ang gusto nila, dahil minsan rin naman ay wala na rin ako sa aking pagiisip.

    Hindi ko na nakita pang muli ang liwanag.
1 comments / leave her one